NIA magpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2020 - 06:09 AM

Naglabas ng abiso ang National Irrigation Administration (NIA) sa isasagawang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela ngayong araw, Oct. 21.

Ayon sa NIA, ang pagpapakawala ng tubig ay isasagawa ala 1:00 ng hapon mamaya.

Ito ay upang mapanatili ang ligtas na antas ng tubig sa Magat Dam.

Sa umpisa ay 200 cubic meters per second ang pakakawalang tubig at maaring itaas pa ang dami depende sa mararanasang pag-ulan ngayong araw.

Pinayuhan ang mga residente na iwasan muna ang pagtawid o pamamalagi sa tabing ilog .

Ang mga alagang hayop ay pinalilikas din sa mas mataas at ligtas na lugar.

 

 

 

TAGS: Cagayan, Inquirer News, isabela, Magat Dam, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water release, Cagayan, Inquirer News, isabela, Magat Dam, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water release

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.