International Maritime Judicial Center, balak itaguyod ng China
Plano ng China na mag-set up o magtatag ng isang international maritime judicial center na layong protektahan ang ‘sovereignty’ at mga karapatan nito sa gitna ng patuloy na sea disputes sa iba pang mga bansa.
Ayon kay Chief Justice Zhou Qiang, trinatrabaho na umano ng mga korte sa kanilang bansa ang pagpapairal ng national strategy para gawin ang China bilang ‘maritime power.’
Ani Zhou, kailangan na mapangalagaan ang aniya’y ‘national sovereignty, maritime rights at iba pang core interests’ ng China sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang international maritime judicial center.
Sa kabila ng pahayag ni Zhou, wala na siyang ibang detalye na ibinigay gaya ng kung kailan magsisimula ang judicial center, kung saan ito itatayo at anu-ano ang mga kaso na tatanggapin at hahawakn nito.
May tensyon ang China sa pagitan ng Japan dahil sa East China Sea, maging sa Taiwan, Malaysia, Vietnam, Brunei at Pilipinas dahil naman sa South China Sea.
Ayon kay Zhoa, nasa labing anim na libong maritime cases na dininig ng Chinese courts noong nakalipas na 2015, na pinakamalaking bilang sa buong mundo.
Batay sa datos, ang China ang mga pinakamaraming maritime courts sa buong daigdig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.