Yelow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Palawan at Occidental Mindoro
By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2020 - 09:12 AM
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Palawan at sa Occidental Mindoro.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:23 ng umaga ngayong Martes (Oct. 20), yellow warning ang nakataas sa Northern Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, Cuyo, Magsaysay, at Agutaya; gayundin sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Babala ng PAGASA, posible ang pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.