Bagyong Pepito bumilis pa; Signal No. 1 nakataas sa bahagi ng Aurora at Isabela
Bahagyang bumilis ang kilosng tropical depression Pepito.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 475 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nagtaas na ng tropical cyclone wind signal number 1 ang Pagasa sa sumusunod na lugar:
Portion of Isabela:
– Palanan
– Dinapigue
– eastern portion of San Mariano
Northern portion of Aurora
– Dinalungan
– Casiguran
– Dilasag
Ayon sa PAGASA, dadaan sa Northern Luzon-Central Luzon area ang bagyo at inaasahang tatama sa eastern coast ng Northern Luzon-Central Luzon area bukas ng gabi o sa Miyerkules ng umaga.
Posibleng lumakas pa ito at maging isang tropical storm bago ang landfall.
Matapos ang pagtama sa landmass ng Luzon, lalo pang lalakas ang bagyo at aabot sa severe tropical storm category sa Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.