Al Gore, surpresang binisita ang Tacloban

By Den Macaranas, Isa Avendaño-Umali March 13, 2016 - 07:40 AM

al-goreSurpresang binisita ni dating US Vice President at environmentalist Al Gore ang Tacloban City kahapon (March 12) para alamin ang kalagayan ng mga biktima ng Supertyphoon Yolanda, na nanalasa noong November 8, 2013.

Si Gore na dumating sa Tacloban ng 2:45 ng hapon, ay sinalubong ng mga lokal na opisyal ng Tacloban City sa pangunguna ni Mayor Alfred Romualdez at kaagad na nagpunta sa Barangay 88 na pinakamatinding nasalanta ng bagyo.

Sinamahan ni Senadora Loren Legarda si Gore sa pag-iikot sa lugar at pakikipag-usap sa ilang mga survivor ng kalamidad.

Nagpunta rin ang dating U.S leader sa mass grave sa Holy Cross Memorial Park kung saan nakalibing ang karamihan sa sampung libong namatay sa bagyo.

Nag-alay siya ng dalawampung minutong panalangin at mga bulaklak at nagsindi ng mga kandila.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam sa media si Gore.

Subalit ani Romualdez, nagulat umano si Gore sa lawak ng pinsala ng bagyong Yolanda sa bansa.

Pasado alas-sais ng gabi ay umals si Gore pabalik ng Maynila.

Si Gore ay nasa Pilipinas para dumalo sa isang climate change forum na gaganapin sa Maynila mula March 14 hanggang 16.

Siya ang kasalukuyang chairman ng The Climate Reality Project na nagsasagawa ng mga lectures kung paano maiibsan ang epekto ng climate change sa daigdig.

 

TAGS: Al Gore, Supertyphoon Yolanda, Tacloban City, Al Gore, Supertyphoon Yolanda, Tacloban City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.