Edad 18 to 65 lang ang papayagang makalabas ng bahay sa NCR
Sa Metro Manila, tanging ang mga edad na 18 hanggang 65 ang papayagan nang makalabas ng tahanan.
Paglilinaw ito ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.
Ayon kay Olivarez, batay sa napagkasunduan ng MMC, 18 to 65 years old pa lamang ang pinapayagang lumabas.
Ang 15 to 65 years old na pinayagan aniya ng Inter Agency Task Force ay iiral sa iba pang rehiyon.
Una nang inanunsyo ng Malakanyang na mas pinagaan na ng IATF ang age limit sa mga pinapayagang makalabas ng bahay.
Sinabi ng IATF na ang mga edad 15 to 65 ay pwede nang makalabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.