LOOK: Markings sa mga tren ng MRT-3 binago kasunod ng pagtaas ng passenger capacity simula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2020 - 06:35 AM

Inayos na ang markings sa mga tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) kasunod ng pagpapatupad ng mas mataas na passenger capacity simula ngayong araw, Oct. 19.

Mula sa dating kapasidad na 13% o 51 na pasahero kada bagon o 153 na pasahero kada train set ay itinaas ang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3 sa 30% o katumbas ng 124 na pasahero kada bagon o 372 na pasahero kada train set.

Patuloy rin ang ginagawang pagbabantay ng mga train marshalls sa loob ng mga bagon ng tren upang masiguradong naipatutupad ang mga health and safety protocols para sa mga pasahero.

Upang masiguradong ligtas ang mga pasahero, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa loob ng mga tren:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono
3) Bawal kumain
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV
5) Laging magsagawa ng disinfection
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, maximum passenger capacity, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, maximum passenger capacity, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.