Dagdag na checkpoints inilatag sa Baguio City kaugnay sa PMA graduation

By Den Macaranas March 12, 2016 - 06:11 PM

PMA
PMA.ph

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ngayon sa Baguio City kaugnay sa gaganaping graduation bukas ng mga kasapi ng Gabay Laya Class of 2016 sa Philippine Military Academy.

Kabi-kabila na ang mga checkpoints na ipinatutupad ng mga tauhan ng Philippine National Police sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Kahapon pa lamang ay nagsimula na ring magdatingan ang mga kaanak ng 63 na graduates para sa taong ito.

Si Cadet Kristian Abiqui na mula sa San Pablo Isabela ang class valedictorian na tatanggap ng Presidential Saber Award, Philippine Navy Saber, Academic Group award, Australian Defense Best Overall Performance Award, Humanities plaque, Mathematics plaque, Natural Science Plaque, Navy Professional Course Plaque at ng  General Antonio Luna Award.

Si Abiqui ay kabilang sa labing-pitong mga bagong graduates na mapupunta sa Philippine Navy, labing-tatlo ang piniling mapunta sa Philippine Air Force samantalang tatlumpu’t tatlo naman ang sa Philippine Army.

Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang seremonya bukas at inaasahan din ang pagdalo ni Vice-President Jejomar Binay.

Sinabi ni PMA spokesman Lt. Col. Reynaldo Balido na mahigpit na ipatutupad ang dress code para sa mga bisita bukas.

Kagabi ay ginanap ang tradisyunal na ring hop kung saan isinusuot ng mga magulang sa kanilang mga anak na kadete ang kanilang PMA ring.

TAGS: Aquino, baguio city, Graduation, PMA, Aquino, baguio city, Graduation, PMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.