BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 354,338
Lagpas 2,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (October 17), umabot na sa 354,338 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 52,423 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,673 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.0 porsyento ang asymptomatic; 1.5 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 73 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,603 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 539 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 295,312 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.