Ilang parte ng Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan
By Angellic Jordan October 17, 2020 - 12:06 PM
Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Central Luzon at CALABARZON, ayon sa PAGASA.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 11:22 ng umaga, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bataan, at Quezon.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.