Mayor Isko Moreno, mga opisyal ng simbahan sa Maynila nagpulong para sa idaraos na Simbang Gabi at Traslacion

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2020 - 01:43 PM

Nakipagpulong si Manila Mayor Isko Moreno kay Bishop Broderick Pabillo at sa mga opisyal ng Quiapo Church.

Tinalakay ng mga opisyal ang mga posibleng adjustment na isasagawa sa Simbang Gabi at sa magaganap na Traslacion 2021.

Ayon kay Bishop Pabillo, hinihiling nilang magkaroon ng adjustment sa curfew sa Disyembre, para madagdagan ang schedule ng mga Simbang Gabi upang hindi magsisiksikan ang mga tao.

Pabor naman dito si Moreno, dahil kapag mas maraming misa, mas maiiwasan ang siksikan ng mga tao.

Tinalakay din ang mga posibleng adjustment na ipatutupad sa Traslacion 2021 at sa kapistahan ng Sto. Nino.

Tiniyak naman ni Moreno na talakayin ito sa Inter Agency Task Force para sa pag-apruba.

 

 

TAGS: Church, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Simbang Gabi, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2021, Church, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Simbang Gabi, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.