Global cases ng COVID-19 mahigit 39.1 million na
Umabot na sa mahigit 39.1 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Oct. 16) ay 39,142,318 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 388,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 62,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 60,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 27,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,212,882
India – 7,365,435
Brazil – 5,169,386
Russia – 1,354,163
Spain – 972,958
Argentina – 949,063
Colombia – 936,98
Peru – 856,951
Mexico – 829,396
France – 809,684
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.