Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, sumampa na sa mahigit 14,100
Nagpositibo ang 116 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 15, umakyat na sa 14,193 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,028 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
76.19 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
250 na pasyente naman ang gumaling pa kaya 10,818 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 347 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.