Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 46,792

By Mary Rose Cabrales October 16, 2020 - 05:03 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (October 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 564 na bagong kaso kaya pumalo na sa 46,792 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,310
Laguna – 13,851
Batangas – 8,358
Rizal – 9,472
Quezon – 2,801

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 14,540.

Nasa 31,179 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 695 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 7,113
Laguna – 10,975
Batangas – 5,968
Rizal – 5,727
Quezon – 1,396

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 16 kaya umabot na sa 1,073 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 270
Laguna – 232
Batangas – 204
Rizal – 282
Quezon – 85

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.