Pagluwag sa quarantine restrictions dapat sabayan ng dagdag PUVs – Sen. Grace Poe

By Jan Escosio October 15, 2020 - 11:19 AM

Sinabi ni Senator Grace Poe na kung iigsian ang curfew hours at luluwagan ang quarantine restrictions dapat ay dumami pa ang bilang ng mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan.

Aniya dapat munang pag-aralan ng gobyerno kung magiging sapat ang kasalukuyang bilang ng mga pampublikong sasakyan na nagbalik-biyahe na sakaling dumami na ang mga tao na maaring lumabas na ng bahay.

Nangangamba si Poe na kung madami na ang tao sa mga lansangan at kulang ang mga pampublikong sasakyan, malaki ang posibilidad ng hawaan.

Aniya tiyak na mag-uunahan at magsisiksikan na ang mga pasahero sa mga sasakyan at terminal.

Kayat, ayon kay Poe, payagan ang iba pang pampasaherong jeep na makabiyahe ngunit kailangan pa rin matiyak na makakasunod ang mga ito sa safety and health protocols.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mass transportation, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PUVs, Radyo Inquirer, Senator Grace Poe, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mass transportation, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PUVs, Radyo Inquirer, Senator Grace Poe, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.