Bakuna kontra COVID-19 magkakaroon na sa Abril
May bakuna na konta COVID-19 sa Abril ng susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, base sa kanyang pakikipag-usap kay Health Sectetary Francisco Duque III, kung masusunod ang mga rules may bakuna na sa Abril.
Una rito, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na may ginagawa nang trials ang kanilang hanay sa mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa pangulo, nakausap din niya kahapon si Russian Ambassador Igor Khovaev kung saan nagsabing malapit nang available ang kanilang bakuna.
Nais din aniya ng Russia na magtayo ng planta ng pharmaceutical sa Pilipinas.
Nag-farewell call kahapon si Khovaev kay Pangulong Duterte.
Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam kung gawang Russia, China o Amerika ang bakuna basta’t ang mahalaga ay magkaroon ng bakuna.
Sa ngayon, sinabi ng pangulo na nakahanap na siya ng pera para ipangbili ng bakuna sa 20 milyong mahihirap na Filipino.
Pero ayon sa pangulo, mangangalap pa siya ng dagdag pondo para sa 113 na milyong Filipino pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.