Bagyong Ofel posibleng humina at maging LPA na lang; Signal No. 1 nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2020 - 05:34 AM

TITLE: Bagyong Ofel posibleng humina at maging LPA na lang; Signal No. 1 nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nakatawid na ng Tabayas Bay ang bagyong Ofel at inaasahang tutungo na sa West Philippine Sea.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng Lubang, Occidental Mindoro.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, tumaas ang tsansa na humina ang bagyo at maging isang Low Pressure Area na lamang sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.

Limang beses nang tumama sa kalupaan ang bagyo ang una ay sa Can-Avid Eastern Samar (2:30AM – Oct. 13), ikalawa sa Matnog, Sorsogon (6:00AM, Oct. 14), ikatlo sa Burias Island, Masbate (12:00PM Oct. 14), ikaapat sa Torrijos, Masbate (7:45PM Oct. 14) at ikalima sa San Juan, Batangas (11:00PM Oct. 14)

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na lugar:
– Metro Manila
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– northern at central portion ng Quezon (Real, Mauban, Sampaloc, Tayabas City, Pagbilao, Lucban, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Tiaong, Dolores, San Antonio, General Nakar, Infanta)
– Bataan
– northern portion ng Occidental Mindoro (Mamburao, Abra de Ilog, Paluan, Santa Cruz)
– northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Naujan, Naujan Lake, Victoria, Calapan City)

Ngayong araw, maghahatid pa rin ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa mainland ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at sa Central Luzon.

Habagat naman ang magpapaulan sa Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, OfelPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, weather bulletin, weather update, Inquirer News, News in the Philippines, OfelPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, weather bulletin, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.