Pagpataw ng multa sa bikers na walang helmet sa QC, sisimulan na sa Oct. 15

By Angellic Jordan October 14, 2020 - 07:54 PM

Nagpaalala ang Quezon City government na sisimulan na sa araw ng Huwebes, October 15, ang pagpataw ng multa sa lahat ng biker na walang suot na helmet sa Quezon City.

Ito ay alinsunod sa Ordinance No. SP-2942 na layong matiyak ang kaligtasan ng bawat biker sa naturang lungsod.

Pagmumultahin ng P300 sa first offense, P500 sa second offense habang P1,000 naman sa third offense.

Samantala, nauna nang namigay ang QC LGU ng bike helmets sa bikers na nangangailangan nito.

Nagbigay din ng bike helmets para sa bikers ng Valenciana Riders Club na naipaabot sa tulong ni Kagawad Joey Millonado ng Barangay Valencia.

TAGS: bike helmets, bike helmets from QC LGU, fine, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Ordinance No. SP-2942, QC government, Radyo Inquirer news, bike helmets, bike helmets from QC LGU, fine, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Ordinance No. SP-2942, QC government, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.