Halos 400 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 14, 2020 - 07:44 PM

Umabot sa 395 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (October 13), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 14).

Pinakamaraming nahuling hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 208.

Sumunod dito ang lumabag sa curfew na umabot sa 162 kung saan 85 ang adult habang 77 ang menor de edad.

Siyam naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang siyam ang naninigarilyo.

TAGS: curfew violator, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator, curfew violator, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.