Mga kongresista na bumoto pabor kay Speaker Velasco, hindi balimbing – Rep. Robes

By Erwin Aguilon October 14, 2020 - 01:41 PM

Hindi maaring tawaging balimbing ang mga kongresista na bumoto para maluklok bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay House Committee on People Participation Chair at San Jose del Monte Rep. Rida Robes, alam naman ng magkabilang kampo ang term-sharing agreement kaya naman iniluklok nila si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker noong 2019.

Sabi ni Robes, “ang ginawa ng mga kongresista na pagboto kay Cong. Velasco bilang Speaker ay hindi pagbalimbing kundi alinsunod lamang sa Term Sharing Agreement.”

Iginiit nito na legal din ang naging sesyon noong Lunes, October 12, sa labas ng Batasang Pambansa kung saan inihalal si Velasco dahil sa 186 ang dumalo at bumoto pabor dito na lagpas na kinakailangang mayorya mula sa kabuuang 299 na kongresista na siyang nakasaad sa Saligang Batas at rules ng Mababang Kapulungan.

Hindi rin aniya ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 Constitution na magdaos ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa ang mga kongresita basta kailangan lamang ay mayroong quorum na nangyari na rin noong isinagawa ang sesyon sa lalawigan ng Batangas na ipinatawag ni dating Speaker Cayetano.

Mas mahalaga din, ayon kay Robes, ang presensya ng mayorya ng mga kongresista kumpara sa mace na symbol of authority ng Kongreso at hindi rin anya nakasaad sa batas na kailangan ng mace upang maging “valid” ang sesyon.

“Bagamat ang mace ang symbol of authority ng Kongreso, mas mahalaga ang presensya ng mga mismong kinatawan na hinalal ng taong-bayan. Wala ring nakasaad sa batas na kailangan ang mace para maging valid ang session,” saad ni Robes.

Naniniwala rin ang lady solon na kahit makarating sa Supreme Court ang paghalal kay Velasco sa sesyon na ginawa sa labas ng Batasang Pambansa ay hindi ito idedeklarang “invalid” sapagkat may nauna na itong pasya ang hakbang na ginawa ng Kongresoa na hindi naayos sa kanilang rules ay hindi maaring ideklarang walang bisa basta ito ay sinang-ayunan ng mayorya ng mga mambabatas.

“Kung sakaling makarating sa Korte Suprema ang kasong ito, ang Korte Suprema ay malamang na papanig kay Cong. Velasco dahil sa isang kaso na kanilang nadesisyunan, sinabi ng Korte Suprema na kung may ginawang hakbang ang Kongreso na hindi naaayon sa sarili nitong Rules, ang hakbang na iyon ay hindi pa rin maituturing na invalid basta ito ay sinang-ayunan na majority ng mga kongresista,” giit ni Robes.

Sabi ni Robes, sa unang sesyon ng Kamara, October 13, kung saan si Velasco na ang pinuno ay nagpatuloy ang pagtalakay sa panukalang P4.5-trillion 2021 national budget na patunay na pagkakaisa ng mga kongresista matapos ang hindi pagkakaunawaan sa isyu ng Speakership post na pagsuporta din sa pangulo.

Nauna rito, hinikayat din ni Robes ang mga kasamahang kongresista na isantabi ang pulitika at unahin ang kapakanan ng taumbayan sa kanilang pagbabalik sesyon.

Dapat aniyang manaig sa mga ito ang tama, respeto at ang pagkakaroon ng dignidad na kanilang commitment upang matulungan ang pangulo sa pagbibigay ng tulong sa sambayanan.

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, Speaker Lord Allan Velasco, term-sharing agreement, 18th congress, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, Speaker Lord Allan Velasco, term-sharing agreement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.