“Sorry” ni Cong. Cayetano tinanggap ni Pangulong Duterte
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sorry ni Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.
Humingi ng pumanhin si Cayetano kay Pangulong Duterte matapos magkamali sa pag intindi na mauupo siyang speaker hanggang sa maipasa ang 4.5 trilyong pisong 2021 national budget.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa pahayag ni Senador Bong Go, parang tatay na kinausap ni Pangulong Duterte sina Cayetano at Velasco nang ipatawag kahapon sa Malago compound sa Malakanyang.
Bilang ama, natural aniya na tatanggapin ang sorry ng isang anak.
“According to Senator Bong Go, he was like a father. So of course a father would accept apology from a son ‘no and—all is well that ends well,” pahayag ni Roque.
Nagpapasalamat aniya si Pangulong Duterte na nagkasundo na sina Cayetano at Velasco sa speakership.
Malaking bagay aniya na mayroong super majority sa Kamara para tuluyan nang maipasa ang pambansang budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.