Red heavy warning level nakataas sa Sorsogon at Masbate

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2020 - 08:07 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigan sa Bicol Region.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 14 red rainfall warning ang nakataas sa Sorsogon at Masbate.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng severe flooding sa mga flood prone area at sa mga naninirahan malapit sa river channels.

Orange warning naman ang nakataas sa Northern Samar, Catanduanes, Camarines Norte at sa Albay.

Habang yellow warning level naman sa Camarines Sur, Marinduque at Romblon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng weather bureau sa lagay ng panahon.

 

 

 

TAGS: Bicol Region, Inquirer News, Masbate, News in the Philippines, Radyo Inquirer, red warning level, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bicol Region, Inquirer News, Masbate, News in the Philippines, Radyo Inquirer, red warning level, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.