18 barangay sa lalawigan ng Cagayan apektado ng ASF

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2020 - 06:36 AM

Apektado ng African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy sa labingwalong (18) mga barangay sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Acting Provincial Veterinarian Dr. Noli T. Buen, sa pinakahuling resulta ng mga pagsusuri sa mga blood samples ng mga baboy ay nakumpirmang napasukan ng virus ang barangay Agani sa Alcala; barangay La Suerte, Bayabat, Monte Alegre at Centro sa Amulung; Liwan Sur at Lanna sa Enrile; Baculud, Iguig; Warat, Piat; Parog-Parog, Palao, Maguirig, Iraga, Cadaanan sa Solana; Dagupan, Malalinta, Palca, Bugnay sa Tuao.

Mula sa pitong (7) bayan ay nasa 1,094 ang kabuuang bilang ng baboy na isinailalim sa culling o kinatay at ibinaon upang makontrol ang pagkalat ng virus na dala ng ASF.

Naapektuhan rin ang 262 na mga hog raisers kaya naglaan na ng tulong-pinansyal para sa kanila ang Pamahalaang Panlalawigan.

Paliwanag ni Dr. Buen, patuloy ang ginagawang pagkuha ng blood samples sa mga karatig na lugar na apektado ng ASF at monitoring rin sa iba pang bayan sa Cagayan.

Sinabi pa niya na patuloy at mahigpit na ipinatutupad ang checkpoints sa mga boundary ng lalawigan kaugnay sa total ban sa pagpasok ng live hogs, fresh, frozen pork at processed products sa Cagayan na mula sa ibang probinsya sa Rehiyon Dos maging sa Ilocos. Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 24 na unang pinirmahan ni Governor Manuel N. Mamba noong September 7, 2020.

 

 

 

TAGS: African Swine Fever, ASF, Cagayan, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, African Swine Fever, ASF, Cagayan, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.