Yellow rainfall warning nakataas sa mga lalawigan sa Bicol Region
Dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan nagtaasng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Bicol Region.
Sa inilabas na rainfall advisoroy alas 4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Oct. 14, yellow warning ang nakataas sa Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, at maging sa Northern Samar.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, mahina katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan naman sa Romblon at Marinduque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.