Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 45,683
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (October 13, 3:00 PM) nakapagtala ng 615 na bagong kaso kaya pumalo na sa 45,683 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,267
Laguna – 13,656
Batangas – 8,147
Rizal – 8,931
Quezon – 2,682
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 14,783.
Nasa 29,852 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 1,010 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 7,113
Laguna – 10,650
Batangas – 5,648
Rizal – 5,068
Quezon – 1,373
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 25 kaya umabot na sa 1,048 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 270
Laguna – 229
Batangas – 198
Rizal – 267
Quezon – 84
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.