Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Falcon.
Pumasok ito bandang alas diyes ng gabi, araw ng Martes.
Ayon sa PAGASA, bagaman hindi magkakaroon ng landfall sa pagpasok na ng bagyong Falcon ay inaasahan naman na papalakasin nito ang hanging habagat na siyang nagdudulot ng mga malalakas na pag-ulan sa kalakhang Maynila at malaking bahagi ng Luzon Region.
Batay sa 4:00 AM update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,330 kilometro East Northeast ng Aparri, Cagayan o 1,335 km East ng Calayan, Cagayan.
Ang bagyo ay nagtataglay ng maximum sustained winds na 130 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 160 kph.
Inaasahang tatahakin ng bagyong Falcon ang West Northwest direction sa bilis na 20 kph./Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.