Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 5,181 na
Napaulat ang 48 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:44, Martes ng hapon (October 13), 5,181 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 462 ang aktibong kaso.
11 ang itinuturing na probable cases habang 1,569 ang suspected cases kung saan 18,522 ang cleared na.
54 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,559 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 160 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.