44 pang COVID-19 recoveries, nadagdag sa Baguio
Umabot sa 35 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 13), umabot na sa 1,454 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 495 ang aktibo pang kaso.
44 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 942 na ang total recoveries sa Baguio City habang 17 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,236 ang aktibo habang 3,068 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 12,206 na residente habang 19,168 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.