Mga taga-Maynila pinag-iingat ni Mayor Isko Moreno sa second wave ng COVID-19

By Chona Yu October 13, 2020 - 12:46 PM

Pinag-iingat ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang mga kababayan sa posibilidad na magkaroon nb second wave ng COVID-19 infections sa Maynila.

Ayon kay Moreno, may naitala kasing bagong wave ng COVID-19 sa Maynila sa mga nakalipas na araw.

Kinakailangan aniya na maging mapagmatyag ang publiko kahit na iniuulat na ng Department of Health (DOH) na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon kay Moreno, kailangang bantayan ang second wave dahil base sa ulat international news, nagkakaroon na rin ngayon ng second wave sa Amerika at Europa.

Ginagamit aniya ito ng lokal na pamahalaan bilang tanda o paalala na hindi pa rin nawawala ang panganib sa COVID-19.

Ito rin aniya ang dahilan kung kaya pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mass testing na ginawang libre para sa mga taga-Maynila at maging sa mga hindi residente ng Maynila.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, Manila City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, second wave, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, Inquirer News, Manila City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, second wave, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.