Health workers sa Jose Reyes Memorial Medical Center nagsagawa ng protesta
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga health workers sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Ito ay para ipanawagan na bigyan ng kaukulang benepisyo ang mga health workers na nakikipaglaban sa COVID-19.
Ayon kay Cristy Donguines, presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union – Alliance of health workers, ipinapanawagan din ng kanilang hanay na bigyan ng benepisyo ang kasamahang health worker na si Judyn Bonn Suerte na namatay dahil sa COVID-19.
Pitong buwan na aniya ang COVID-19 pero hanggang ngayon wala pa ring kaukulang personal protective equipment ang mga health workers.
Kulang rin aniya ang hazard pay na kanilang natatanggap.
Ipinapanawagan din ng grupo na taasan ang budget ng kanilang hanay at patalsikin na sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque dahil sa kapalpakan sa pagtugon sa problema sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.