286 LSIs, 17 APORs, nakauwi ng Ozamiz City ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2020 - 11:05 AM

Ligtas na nakadaong sa Port of Ozamiz ang barkong lulan ang aabot sa 286 na mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at 17 APORs.

Sila ay pawang mula sa Maynila at Cebu.

Ganap na ala una ng madaling araw nang dumating sa Port of Ozamiz ang mga LSIs at APORs.

Ang mga nasabing pasahero na patungo ng Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Lanao del Norte ay sumailalim sa Rapid Antibody Test sa pangunguna ng PGO-Misamis Occidental at CHO-Ozamiz.

Sa datos ng PPA-PMO Misamis Occidental/ Ozamiz, 9,893 na pasahero na ang nabigyang serbisyo sa nasabing pantalan mula ng pahintulutan ang biyahe ng mga sasakyang pandagat para sa LSIs, APORs at ROFs.

 

 

 

TAGS: APORs, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LSIs, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Port of Ozamis, ppa, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, APORs, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LSIs, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Port of Ozamis, ppa, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.