Mahigit 100,000 board feet ng kontrabandong kahoy nakumpiska sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2020 - 10:20 AM

Umabot sa 100,000 board feet ng kontrabandong kahoy ang nakumpiska ng mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Cagayan.

Nagpasalamat si Atty. Ismael Manaligod ng PENRO-Cagayan sa mga tumulong sa ahensya para protektahan at supilin ang walang habas na pagpuputol ng kahoy sa probinsya.
Ayon kay Manaligod, umabot na sa mahigit 100,000 board feet ng kontabandong kahoy ang nasakote na ng DENR sa Cagayan at napakalaking tulong dito ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng iba pang ahensya tulad ng PNP, AFP at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kanilang kampanya.

Isa pa sa nakatulong sa pagkakahuli ng mga kontrabandong kahoy ay ang mga sumbong na ipinaaabot mula sa linyang “Isumbong mo kay Gob” ni Gobernador Manuel N. Mamba.

Ayon pa kay Atty. Manaligod ay mga positibong tip kadalasan ang kanilang natatanggap mula sa linya ni Gob. Mamba na nagreresulta ng pagkakasakote ng libu-libong board feet ng kahoy.

Inamin din ni Atty. Manaligod na nanatiling nasa hotspot ang mga bayan ng Baggao at Penablanca pagdating sa illegal logging.

 

 

 

TAGS: Cagayan, Inquirer News, News in the Philippines, Province of Cagayan, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cagayan, Inquirer News, News in the Philippines, Province of Cagayan, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.