Global cases ng COVID-19 mahigit 38 million na
Umabot na sa mahigit 38 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Oct. 13) ay 38,028,996 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 272,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 45,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 54,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 8,400 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,037,757
India – 7,173,345
Brazil – 5,103,408
Russia – 1,312,310
Colombia – 919,083
Spain – 918,223
Argentina – 903,730
Peru – 849,371
Mexico – 817,503
France – 743,479
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.