“Pineke ng RCBC manager ang pirma ko”-William Go

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2016 - 01:44 PM

rcbcPineke umano ang pirma ni William Go na isa sa mga negosyanteng inuugnay sa $81-million money laundering.

Tinukoy ni Go si Maia Santos Deguito na branch manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa Jupiter Street sa Makati City na siyang pumeke ng kaniyang pirma.

Ayon kay Atty. Ramon Esguerra, legal counsel ni Go, mismong si Dequito ang umamin sa kaniyang ginawang pagbubukas ng account gamit ang pangalan ni Go nang makausap nila ito sa isang pulong noong February 23 sa Taguig City.

Sinabi ni Esguerra na hiningi na nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para mapatunayang peke ang pirma ni Go sa mga dokumento.

Ani Esguerra, kilala nina Go at Deguito ang isa’t isa dahil nagtatrabaho noon si Deguito bilang bank manager sa East-West Bank kung saan mayroon namang account si Go.

Una rito ay itinanggi ni Deguito na siya ay may kinalaman ito sa diumano’y $81-million money-laundering scheme kung saan isinasangkot din ang anim na negosyante at ilang casino sa bansa.

Sa pahayag ni Atty. Ferdie Topacio, abugado ni Deguito, na walang iligal sa mga hakbang na ginawa ng kanyang kliyente kaugnay sa mga transaksyon kaugnay sa transfer ng naturang halaga noong nakaraang buwan.

Paliwanag pa aniya ng kanyang kliyente, batid din mismo ng mga matataas na opisyal ng RCBC head office ang mga naturang transaksyon.

Paliwanag pa aniya ni Deguito, mismong ang presidente at CEO ng RCBC na si Lorenzo Tan ang nagbigay ng ‘go-signal’ upang pahintulutan ang paglilipat o ‘transfer’ ng $81-million sa limang US dollar accounts sa naturang branch.

Tinuturan pa siya umano ni Tan kung paano sasagutin ang mga isyu na ipinupukol sa kanya.

Ang pagbubukas ng apat sa limang accounts na nasa pangalan nina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Enrico Teodoro Vasquez at Alfred Santos Vergara ay pinangasiwaan ni Deguito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.