Umabot sa 48 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 12), umabot na sa 1,419 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 504 ang aktibo pang kaso.
19 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 898 na ang total recoveries sa Baguio City habang 17 na ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,211 ang aktibo habang 3,063 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 11,828 na residente habang 19,137 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.