Manifesto ng mga kongresista na sumusuporta kay Speaker Cayetano, inilabas

By Erwin Aguilon October 12, 2020 - 06:29 PM

Isang manifesto na sumusuporata kay House Speaker Alan Peter Cayetano ang inilabas ng kanyang kampo kasunod ng pagkakahahal kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.

Pirmado ng mahigit 200 kongresista ang manifesto kabilang na ang mga kongresista na present sa sesyon na nagpatalsik kay Cayetano at nagluklok kay Velasco na ginanap sa Quezon City Sports Club.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na may flying voters na sumuporta sa kanya at sumusuporta din kay Velasco.

Nakasaad din sa manifesto ang suporta ng mga lumagdang kongresista para pagtibayin sa lalong madaling panahon ang pambansang pondo sa 2021 at pagkakaisa na pagtibayin ang mga measures laban sa COVID-1 9 pandemic.

Tinawag naman ng kampo ni Cayetano na fake ang sesyon na isinagawa ng kampo ni Velasco.

Kung ganun lang din aniya na sinasabing valid ang naging hakbang ay mistulang “Banana Republic” ang Kongreso kung kahit saan pala ay pwede na lamang basta magsagawa ng sesyon.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, manifesto for Speaker Alan Cayetano, Quezon City Sports Club, Radyo Inquirer news, Rep. Lord Allan Velasco, 18th congress, Inquirer News, manifesto for Speaker Alan Cayetano, Quezon City Sports Club, Radyo Inquirer news, Rep. Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.