Sesyon ng mga kongresista para patalsikin si Speaker Cayetano nagsimula na

By Erwin Aguilon October 12, 2020 - 12:36 PM

Nagsimula na ang sesyon ng mga kongresista sa Quezon City Sports Club upang patalsikin si House Speaker Alan Peter Cayetano at iluklok si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa ginagawang sesyon ipinaliwanag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriquez, hindi labag sa Saligang Batas o rules ng Kamara ang pagdaraos nila ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa dahil ginawa na rin nila ito sa Batangas.

Bukod dito, kahit anya wala ang mace na ginagamit sa kanilang sesyon sa Batasang Pambansa ay legal din ang kanilang ginagawa.

Ang mace anya ay symbol of authority lamang ay hindi nangangahulugan na labag sa anumang batas ang wala nito at ang mananaig pa rin ay ang kagustuhan ng mayorya ng mga kongresista.

Iginiit din ni Rodriguez na unconstitutional ang ginawang maagang pagsuspinde ng sesyon ng Kamara noong nakalipas na lingo.

Paliwanag nito, ang sesyon ng Kongreso ay hanggang October 16 pa.

 

 

 

 

TAGS: Batasang Pambansa, constitution, house session, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batasang Pambansa, constitution, house session, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.