Heavy rainfall warning sa Zambales binawi na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2020 - 11:38 AM

Binawi na ng PAGASA ang heavy rainfall warning na inisyu sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa PAGASA, terminated na ang yellow warning level na unang itinaas sa nasabing lalawigan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na lang kasi ang naobserbahan sa Zambales sa nakalipas na 3 oras.

Samantala. mahina hanggang katamtamang pag-ulan pa rin ang aasahan mga bayan ng Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria at Sta. Cruz sa Zambales.

Gayundin sa mga bayan ng Sta. Ignacia San Jose, Mayantoc, Camiling, at San Clemente sa Tarlac.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

TAGS: heavy rainfall warning, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zambales, heavy rainfall warning, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.