Pulitika ipinasasantabi ni Majority Leader Romualdez kasabay ng muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara
Hiniling ni House Majority Leader Martin Romualdez sa mga kapwa kongresista na isantabi na muna ang pulitika at unahin ang pagpasa sa P4.5T 2021 national budget.
Ayon kay Romualdez, pagkatapos mapagtibay ang panukalang pondo maaari nang isunod na pagusapan ang isyu sa Speakership para matiyak ang smooth transition.
Nakipagusap anya siya kay Executive Secretary Salvador Medialdea at muling kinumpirma nito na ang panawagan ni Pangulong Duterte para sa pagsasagawa ng special session sa ilalim ng Proclamation No. 1027 ay para ituloy ng Kongreso ang deliberasyon sa pambansang pondo.
Bukas muling bubuksan na ng Kamara ang sesyon para ipagpatuloy ang budget deliberation sa plenaryo.
Target na pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa sa darating na Biyernes ang pambansang pondo kasunod na rin ng pagsertipika dito ng pangulo bilang urgent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.