Tolentino sa DOH: Ice cream storage, ice plants kailangan sa COVID-19 vaccine storage
Hinimok ni Senator Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) na gamitin cold-storage facilities ng ice cream manufacturers para maiwasan ang pagkasira ng mga bibilhin COVID-19 vaccines sa susunod na taon.
Sa budget deliberation para sa proposed P131.72-billion ng DOH, nagulat si Tolentino sa pag-amin ni Health Sec. Francisco Duque III na walang inilaang pondo para sa pagtataago ng mga bakuna.
Diin ng senador dapat ay alam ng DOH na napakahalaga ng tamang pagtatago ng mga bakuna.
Dapat aniya ngayon pa lang ay nakikipag usap na ang kagawaran sa mga gumagawa ng sorbetes at yelo.
“Why don’t you at this earliest stage, touch base—Magnolia Ice Cream, Selecta Ice Cream. Call all ice cream manufacturers to utilize the cold storage facilities,” bilin ni Tolentino kay Duque.
Kailangan aniya ng storage facility na may -82°C capacity para mapanatili ang bisa ng COVID-19 vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.