PCG quarantine facility, pormal nang pinasinayaan
Pormal nang pinasinayaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unang quarantine facility, araw ng Sabado (October 10).
Kayang ma-accommodate nito ang 224 PCG frontline.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade kasama si PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr ang seremonya para sa pasilidad.
Ilalaan ang pasilidad para sa PCG frontline personnel na tinamaan ng COVID-19 sa gitna ng kanilang tungkulin.
“Kung may problema, kung may nagkasakit. May matutuluyan at masasabing sariling atin. Sinasaluduhan ko kayo at natutuwa ako na may pasilidad na magagamit, hindi lamang para sa mga magkakasakit na personnel ng Coast Guard, kung hindi bukas para sa iba kung sakaling kailanganin. This is the humanity and Christianity, not only of Commandant Ursabia pero sa lahat ng Philippine Coast Guard”, pahayag ng kalihim.
Makikita ang P35-milyong quarantine facility sa Coast Guard Base Taguig.
Ang container vans na na-convert para maging quarantine facility ay may sewerage, electrical, at air conditioning systems.
Maliban dito, may nakahanda ring medical station na may suplay ng PPE sets, medical supplies, at mga gamot.
Mayroon ding 26-bed capacity accommodation para sa PCG nurses at health workers.
“It is true–the steadfast spirit of our frontliners that until now are able to perform their duties beyond expectations, especially in this challenging time. To all of you in the frontlines, we dedicate this newly-constructed quarantine facility,” ani Commandant Ursabia.
Kasabay ng pagtugon sa tungkulin para sa publiko, tiniyak din ng ahensya ang kaligtasan ng kanilang frontline personnel sa pamamagitan ng bi-monthly swab tests; pagbibigay ng vitamins, PPE sets, at iba pang medical supplies.
“I would like to express my heartfelt gratitude to the overwhelming support from the Department of Transportation, especially to Secretary Arthur Tugade, who pushed for the realization of this global undertaking. Thank you for being such a good father to the PCG. In closing, I challenge everyone to remain steadfast in facing uncertainties in the new normal. I firmly believe that with God, we will not fail because we are not alone in this fight. Let prayers be our weapon against the unseen enemy,” ayon pa kay Ursabia.
Inanunsiyo rin ni Ursabia na nananatiling zero ang mortality rate sa kanilang hanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.