China, binalaan ang Japan na huwag makialam sa isyu sa South China Sea

By Kathleen Betina Aenlle March 11, 2016 - 04:39 AM

 

China-Radar-South-China-SeaInakusahan ng China ang Japan ng panghihimasok sa isyu sa South China Sea, makaraang malaman nila ang pagpapa-arkila nito ng mga eroplanong pang-patrulya sa Pilipinas.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Aquino noong Miyerkules ang pangungupahan ng Pilipinas ng hindi bababa sa limang TC-90 training aircraft sa Japan para ipang-tulong sa pagpa-patrol sa mga teritoryo ng bansa sa South China Sea.

Bagaman walang kinalaman ang Japan sa mga teritoryo sa South China Sea, nagkaka-agawan naman sila ng China sa mga isla sa East China Sea na siyang sanhi ng hindi kagandahang relasyon ng dalawang bansa sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Hong Lei, mariin nilang tinututulan ang mga sumusubok sa kanilang soberanya at seguridad, at sinabing mananatili silang naka-high alert.

Binalaan pa ni Hong ang Japan na maging maingat sa kanilang mga pananalita at mga kilos, at iwasan ang panggugulo sa kapayapaan sa rehiyon, dahil aniya, wala namang direktang kinalaman ang Japan sa isyu.

Lumabas ang pahayag na ito ni Hong matapos ang naunang pahayag naman ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na hindi sila masyadong positibo sa pagkakaroon ng mas magandang relasyon sa Japan, na tinawag niyang balimbing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.