Ex-PDIC chief, guilty sa kasong graft at estafa

By Jay Dones March 11, 2016 - 04:36 AM

 

sandiganbayan-0704Pinatawan ng hatol na guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft at estafa ang dating presidente ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC dahil sa pagbyahe umano nito sa ibayong dagat gamit ang pondo ng gobyerno noong 2004.

Naganap umano ang mga false representations ni dating PDIC chief Vitaliano Nañagas II noong ito ay chairman pa ng Development Bank of the Philippines o DBP.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, lumitaw na humiling ng travel expenses at allowance si Nañagas nang magtungo ito sa Amerika sa pagitan ng May 15 hanggang June 11, 2004 na inaprubahan ng DBP board sa pag-aakalang ito ay opisyal na byahe.

Gayunman, lumabas na sa pagitan ng May 22 hanggang June 8, 2004, personal ang naging lakad sa Estados Unidos ni Nañagas.

Sa kabila ng pagiging personal na byahe, humirit umano ang dating PDIC chief ng halos kalahating milyong pisong reimbursement sa kanyang naging byahe.

Lumitaw pa sa desisyon na ilan sa mga biniling gamit ni Nañagas na kanyang pinare-reimburse ay mga personal na gamit tulad ng underwear, lingerie at iba pa.

Gayunman, iginiit nito na mga corporate gifts at hindi personal na gamit ang mga gamit na kanyang binili habang nasa abroad. Dahil dito, sinampahan ng paglabag sa section 3 (i) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at estafa, si Nañagas.

Pinatawan din ito ng parusa na 4 hanggang 14 na na taong pagkakakulong dahil sa graft at estafa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.