43,000 mga manok namatay umano sa heatstroke sa Laguna
Tinatayang aabot sa 43,000 na mga manok ang nasawi umano dahil sa heatstroke sa isang poultry farm sa Nagcarlan, Laguna.
Nakunan ng video at litrato nina Cezar Vieron at Jasmin Vieron Albino ang mga patay na manok sa Happy Nest Poultry Farm sa Barangay Maravilla noong Miyerkules.
Sa panayam ng INQUIRER.net kay Albino, sinabi niya na na-heatstroke ang mga commercial chickens dahil sa pagkawala ng kuryente sa Nagcarlan.
Hindi aniya nagamit ang aircon sa poultry farm dahil hindi kinaya ng generator set.
Ayon kay Albino nagtungo siya sa farm nang mabalitaan niyang may namimigay doon ng libreng manok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.