P180M na halaga ng mga smuggled na produkto nakumpiska sa Port of Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 08:52 AM

Umabot sa P180 million ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled na produkto sa Port of Cebu.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang mga nakumpiskang produkto ay pawang undeclared, misdeclared, at undervalued na kargamento.

Kabilang sa mga nakumpiska ay mga containers na naglalaman ng sigarilyo, used clothing at plastic boats.

Ayon sa BOC, ang halaga ng September apprehensions sa Port of Cebu ay mas mataas kumpara sa P36 million na halaga noong buwan ng Agosto.

Sinabi ni Port of Cebu District Collector Charlito Martin R. Mendoza na resulta ito ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC gamit ang x-ray technology.

 

 

TAGS: customs, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Cebu, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, customs, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Cebu, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.