Pre-audit system bago maglabas ng pondo ng bayan isinusulong sa Kamara

By Erwin Aguilon October 08, 2020 - 06:44 PM

 

Isinusulong ni San Jose del Monte Rep. Rida Robes ang pagkakaroon ng pre-audit system sa paggasta ng pondo bayan para masawata ang graft and corruption.

Sa House Bill No. 7124, na inihain ni Robes, nakasaad na ang pre-audit system ay isasagawa bago pa man maglabas ng pera ang gobyerno.

Sa ilalim nito, muling pag-aaralan ang mga pinasok na transaksyon at kontrata ng sa gayun ay hindi mawaldas ang pera ng bayan.

Paliwanag ni Robes, ipinapatupad simula noong 1920s ang pre-audit system pero ito ay inalis ni dating pangulong Ferdinand Marcos at pinalitan ng post-audit system noong 1970s na ginagamit hanggang ngayon.

Sabi ni Robes, “However, the present system of post-audit is prone to abuse and graft and corruption because it reviews disbursements after they have been released and therefore almost impossible to recover if irregularities are discovered.”
Tinataya anya na aabot sa P700B ang nawawala sa kaban ng bayan kada taon o nasa 20 porsyento ng kabuuang budget ng bansa.

Iginiit ni Robes, “It is therefore imperative that the government goes back to the pre-audit system because it can detect anomalies before government funds are disbursed. This in effect protects precious taxpayers’ money from graft and corruption.”

Upang matiyak naman na walang delay sa paglalabas ng pondo, inaatasan ng panukala ang Commission on Audit na maglabas ng Certificate of Pre-Audit sa loob ng 15-araw oras na matanggap ang mga kinakailangang dokumento.

Kapag hindi anya naglabas ng sertipikasyon ang COA hindi maaring maglabas ng pondo ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala ni Robes, lilikha ng Pre-Audit Office ang COA na magpapatupad ng pre-audit system.

Nakasaad din dito na kailangang magsumite ng COA ng report sa pangulo at sa kongreso kada taon kung saan nakasaad ang status ng pagpapatupad nito.

TAGS: House Bill No. 7124, Kamara, pre-audit system, San Jose del Monte Rep. Rida Robes, House Bill No. 7124, Kamara, pre-audit system, San Jose del Monte Rep. Rida Robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.