Lote sa Comembo sa Makati, pag-aari nga ba ni VP Binay?

July 07, 2015 - 09:22 PM

senate probe
Kuha ni Chona Yu

Si Vice President Jejomar Binay ang itinuturong siyang tunay na may-ari ng isang lote sa Comembo na dating pagmamay-ari ng Makati City government.

Sa pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee, sinabi ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na ibinenta umano ng Makati City government ang 8, 877 square meter na property sa halagang 17 million pesos sa umanoy ‘dummy’ ni Binay na si Erlinda Chong gayung umaabot sa mahigit isang bilyong piso ang value nito ngayon.

Kinuha aniya ng Makati City government ang lupa na para sana sa housing project ng mga retiradong sundalo.

Sinabi naman ni retired General Alexander Costales ng Philippine Army, 525th Engineering Battalion na sinabihan daw sila noon ni Mercado na gagamitin ng Makati city government ang isang lote sa harap ng Headquarters sa Comembo kung kaya iniurong nila ang entrance nito.

Sa orihinal na plano, itatayo sa lupa ang Barangay hall at police station.

Ayon kay Mercado, noong hindi pa raw sila naghihiwalay ng landas ni Binay, sila ang orihinal na may-ari ng lupa, katunayan ay nakapangalan ito sa Jobim Company.

Initial ito nina Jejomar Binay, Nelson Irasga, dating city engineer ng Makati at Ernesto Mercado pero ibinenta ito kay Chong.

Pero ayon sa DENR, wala silang nakikitang paglabag nang ibenta ng gobyerno ang lupa kay Chong, katunayan ay binigyan ito ng approval ni dating Ombudsman Aniano Desierto.

Ayon kay senador Koko Pimentel, balak niyang palalimin ang imbestigasyon sa naturang usapin dahil kawawa ang mga sundalo na nawalan ng lupa./ Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.