Biyahe ng LRT-2 balik na sa normal

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 02:41 PM

Balik-normal na ang biyahe ng Light Rail Transit – 2.

Simula kaninang umaga hindi nakabiyahe ang LRT-2 makaraang magkaroon ng insidente ng sunog sa Santolan Station.

Sa inilabas na update ng LRTA, alas 2:21 ng hapon ngayong Huwebes, Oct. 8 ay nag-resume na ang operasyon ng mga tren ng LRT-2.

May biyahe na muli mula Cubao Station hanggang Recto Station at pabalik.

Una nang sinabi ng LRTA na dahil sa nangyaring sunog, naapektuhan ang kanilang UPS.

Nagsasagawa na ng imbestoigasyon sa insidente.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, lrt 2 resumed operations, LRT line 2, News in the Philippines, normal operations, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, lrt 2 resumed operations, LRT line 2, News in the Philippines, normal operations, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.