Awayan sa speakership post pinuna ng independent minority sa Kamara

By Erwin Aguilon October 08, 2020 - 11:26 AM

Nagsalita na rin ang Independent Minority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa isyu ng term-sharing agreement sa Speakership.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, bilang independent opposition ay sinubukan niyang hindi manghimasok sa palabas ng majority coalition sa tunggalian sa pagka-Speaker pero hindi anya nito kayang manahimik bilang myembro ng Kamara dahil nakakasira na ang leadership issue sa buong institusyon at sa interes ng publiko.

Unang binatikos ni Lagman ang suspension sa sesyon ng Kamara ay paglabag sa Section 16(5) ng Article 6 ng Konstitusyon at ang Concurrent Resolution No. 11 na sumasalungat sa kalendaryo ng Kongreso

Bukod dito, election budget din ang pondo sa susunod na taon kaya naman nagpupumilit sa Speakership si Cayetano at mga kaalyado nito.

Iniuugnay din ni Lagman sa ambisyon ni Cayetano na tumakbong Pangulo sa 2022 ang paglabag nito sa term-sharing agreement.

Sa kabila din aniya ng kasunduan na walang pwesto ang papalitan maliban sa posisyon ng Speaker at Accounts Committee, mismong si Cayetano ang lumabag matapos tanggalin sa house leadership ang mga kaalyado ng kalaban na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

 

 

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, term-sharing agreement, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, term-sharing agreement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.