42 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Baguio
Umabot sa 15 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 7), umabot na sa 1,248 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 545 ang aktibo pang kaso.
42 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 687 na ang total recoveries sa Baguio City habang 16 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 3,780 ang aktibo habang 3,093 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 11,367 na residente habang 18,943 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.